Paano mo mailalarawan ang pag-ibig? Sabi ng iba, ito ang pinakamakapangyarihan sa buong mundo. Para sa iba naman kaakibat nito ang iba pang bagay-saya, pag-asa, sakripisyo, sakit. Ngunit para sa iba, isa itong bagay na hindi maipaliwanag. Isang bagay na hindi maihahayag ng anumang salita. Taon-taon mayroon tayong araw na inilalaan upang ipagdiwang ang pag-ibig at mga pambihirang bagay na kasama nito. Ngayong darating na Araw ng mga Puso, kami ay kumalap ng mga tula at maiikling kwento ng pag-ibig na magpapaalala sa atin kung gaano kasarap magmahal. Sa Magkasintahan Vol. 2, maihahayag ng mga tao, sa kanilang sariling paraan, kung paano binago ng pag-ibig ang kanilang mga buhay. Basahin ang mga kwentong nakaaantig ng puso at iyong mararamdaman ang samu't saring mga emosyon!
Bitte wählen Sie Ihr Anliegen aus.
Rechnungen
Retourenschein anfordern
Bestellstatus
Storno







