Vaginal atrophy. Akala mo simpleng pangangati lang-pero ito ang pasabog na bad news na natanggap ni Jojo, isang 42-year-old Psychology professor, na hindi handang masaktan, lalo na doon sa baba. Matapos ang kanyang "official" mental breakdown (na matagal nang overdue, ayon sa kanyang journal), naglakad-lakad siya aimlessly sa Manila Bay, emote-emote, hanggang sa hindi sinasadyang ma-shoot ni Jemark, isang hugot-photographer na may telephoto lens at trust issues. Parang hindi pa sapat 'yon, bigla ring nagparamdam ang ex niyang roving car salesman-na may sales pitch pa rin, kahit sa feelings. At habang abala si Jojo sa wedding preps (na baka hindi matuloy kung tuluyan nang mamatay ang kanyang kiffy), ginugulo rin siya ng pinsan niyang in love kay Jesus-hindi 'yung nasa langit, kundi 'yung taga-palengke. Samahan pa ng BFF niyang si Gizelle na surprise!-magiging kapamilya na niya (as in literally, hindi lang metaphorically). Kaya saan nga ba siya kakapit? Sa ex-pastor niyang Papa, na ang tanging kinikilala na lang ay si Tanjiro mula sa Demon Slayer o kay God na ngayon ay malaki ang tampo niya. Tunghayan kung anong mangyayari kay Joanne Villar sa litong-lito, pa-lurking, pa-healing at pa-happy adventure ng buhay niya kahit may dying kiffy na nagbabanta sa holy plans at future niya. Ito ang kauna-unahang kwento sa Utak-Topak Chronicles series mula sa malikot na imahinasyon ni Lolakwentosera na trying hard i-flex ang kanyang pagpapatawa. Isa itong laugh-through-the-tears, pray-through-the-chaos kind of ride. May halong Christian values, psych fun facts, at kakaibang kagagahan. Trigger Warning: Baka mapatawa ka sa gitna ng existential crisis mo. Pero tandaan-okay lang tumawa mag-isa, basta wag lang sumagot sa sarili. ¿¿¿¿
Bitte wählen Sie Ihr Anliegen aus.
Rechnungen
Retourenschein anfordern
Bestellstatus
Storno







