Pinamumunuan ni Diego, isang lalaking hinubog ng pagkawala at tungkuling mas mabigat pa sa sariling dugo, ang pangkat na naglalakbay mula baryo hanggang bayan para maglinis ng dilim. Ngunit sa pagdating nila sa Baryo Sampinit-isang lugar na payapang mukha sa araw ngunit pugad ng lagim sa gabi-natagpuan nila ang pinakamasalimuot na kalaban: hindi lang halimaw na may pangil, kundi halimaw na may plano.
Habang nagkukubli silang mga magsasaka sa araw at nangangaso sa gabi, nakilala ni Diego si Carlota, isang misteryosang dalaga sa balon na tila liwanag sa gitna ng kadiliman. Unti-unting nahulog ang damdamin niya rito-hindi alam na si Carlota pala ay ampon ng pinuno ng mga aswang na si Mang Goryo, at sentro ng isang hula na kayang gumuho sa kanilang samahan at layunin.
Sa pagitan ng pag-ibig at panata, katotohanan at sumpa, kailangang pumili si Diego: Sino ang ililigtas niya-ang baryo, ang kanyang mga kasamahan, o ang pusong natutong magmahal sa gitna ng dilim?
Isang nobelang katatakutan at kababalaghan na sumusuyod sa mga alamat ng aswang at anting-anting, ngunit tumatagos sa mas matinding panganib: ang pusong sinusubok ng kadiliman.
Para sa mga mambabasang mahilig sa takot, misteryo, at dugong may kasamang dasal-ito ang kwento ng isang Manunugis na kailangang manatiling tao kahit ang pag-ibig ay ginawang pain ng gabi.
Dieser Download kann aus rechtlichen Gründen nur mit Rechnungsadresse in A, B, BG, CY, CZ, D, DK, EW, E, FIN, F, GR, H, IRL, I, LT, L, LR, M, NL, PL, P, R, S, SLO, SK ausgeliefert werden.








