Naranasan mo na ba ang maniwala na hanggang dulo, kayo ang magkakatuluyan?
Naranasan mo na ba ang paulit-ulit na patawarin ang taong mahal mo?
At naranasan mo na ba ang palayain siya kahit masakit?
Uusad pa ba? Sana makausad na... ay isang koleksyon ng mga tula tungkol sa pag-ibig na hindi nasambit, damdaming hindi nasuklian, at pusong pilit na naghilom-patuloy na naghihilom.
Mula sa kilig at pag-asa, sa sakit ng pagbitaw, hanggang sa tahimik na kapayapaan ng pagtanggap. Ang bawat tula ay hakbang tungo sa muling pagbangon ng pusong minsang nabasag.
Berde na ang ilaw trapiko. Panahon na para umusad ka.
Dieser Download kann aus rechtlichen Gründen nur mit Rechnungsadresse in A, D ausgeliefert werden.








